“Batok” and Tattoo Culture with Katribu Tatu

Katribu Tatu 1

Las Islas de los Pintados: a name that comes up in the history of the Philippines. A reminder of a time when Filipinos showed off their skin, dotted with ink.

Jonathan “Tan-tan” Cena and Jean Sioson are the power couple behind Katribu Tatu, bringing the old, traditional art of hand-tapped tattoos, known as batok, to the city.

Here, they give us a brief on the history of batok, the legacy of Whang-od, and some lessons you need to hear before heading off to Kalinga.


Why did you start Katribu?

Tan-tan: For the love of Filipino culture. We aren’t just tattoo artists… we are cultural workers preserving and reclaiming Philippine culture. Ibinabahagi namin ito sa mga tao na gustong matuto at gustong pahalagahan ang ating kultura.

Jean: Kumbaga, sabi nila huwag na kayo lumingon sa iba. Dito pa lang, marami na.

Tan-tan: Dati, na-uso iyong mga Chinese and Japanese characters, mga tribal at Celtic na design. Unahin muna natin iyong pinag-ugatan natin.

In the Philippines, do you believe enough resources or attention is given to traditional tattoo culture?

Tan-tan: Sa ngayon, oo. Kasi tingnan mo sa Kalinga, masyado maraming pumupunta.

Jean: Attention depending on the intention.

Tan-tan: It’s been sensationalized.

Jean: Sana magkaroon ng mga batas na nangangalaga sa pagpapanatili ng kulturang ito. Bata pa masyado ang pagka-kakilala kay Whang-od.

 
border.png
 

What do you think do people misunderstand about Kalinga?

Tan-tan: Dati, isang kahulugan kapag binanggit mo ang Kalinga ay “kalaban.” Maraming headhunters, at takot ang mga tao pumunta roon. Doon talaga sila sa mga pinakamataas at liblib na bahagi ng Cordilleras, kaya hindi sila nasakop ng mga Hapon noong giyera.

Tan-tan: Ngayon, ang mga taong may balak talaga pumunta roon ay dapat marunong umangkop at makibagay, kahit nakikita nila na hindi na masyadong tradisyonal doon. Ipakita nila na kahit taga-labas sila, may respeto sila para sa mga tradisyon at kaugaliang Kalinga.

Jean: Dati, hindi sila bukas sa pagtanggap ng mga turista. Magtuturuan pa sila kung saan ka papatulugin. Ngayon, halos lahat pinapatulog na sa mga bahay. Mga homestay.

In your opinion, has there been progress in the past few years?

Tan-tan: There are pros and cons. Natutulungan na ang komunidad sa Kalinga kung paano bumuo ng kita sa pamamagitan ng turismo. Pinupuntahan na sila ngayon, at nagkakaroon na sila ng pondo para sa komunidad nila. Dumami ang mga tao at hindi na tahimik ang lugar nila. Pero ginusto naman nila, dahil nagkakaroon ng pangkabuhayan ang mga tao roon.

Jean: Isa sa mga magandang nangyayari doon… iyong mga hiling nila, nakakamit na nila. Abot-kaya na. Nakakalungkot isipin na dati hindi nila napag-aaral mga anak nila pero ngayon, kaya na.

Photo of mambabatok in Kalinga, courtesy of  Dorothy Guya

Photo of mambabatok in Kalinga, courtesy of Dorothy Guya

What do you think are the biggest challenges to promoting Philippine tattoo culture?

Jean: For me, how can we promote the tattoo culture in Kalinga if we don’t understand how we affect it? Hindi ko alam kung nagpapabuti ba sa kanila ang kaunlaran na nararanasan nila. Kunwari, sementado na ang mga bahay nila. Masasabi mo bang nakabuti ito? Naiimpluwensyahan ng mga turista ang mga Butbut sa iba’t-ibang aspeto na kanilang pamumuhay… umaangat ang makabagong pag-iisip nila, sa halip na pangangalaga at pag-preserba ng kanila kultura.

Tan-tan: Gusto ko maging maayos ang proceso ng pagpunta sa Kalinga, o sa pagkuha ng tatu. Paano ito maging mas organisado, mas maparaan? Saan napupunta ang basura kapag maraming turista? Wala namang kumukuha ng basura nila… hindi tulad dito sa Maynila.

Basta, kung hindi mo rerespetuhin ang kanilang lugar at ang mga taong nakatira doon, paano natin ipagpapatuloy ang tradisyon ng pagta-tatu?

Is there a “right way” to go to Kalinga?

Tan-tan: You still need an official guide. Ngayon nga, may mga nakaabang na mga gabay sa malalapit na bayan. Iyong iba nga, galing pang Maynila. There are also tours. Kaya ang kailangan, sa akin lang, dapat taga-Butbut. Guides should come from the [Butbut] tribe.

Jean: Because of the long lines, tourists need to understand how the number system works. Tourists are assigned numbers based on their guides, so talk to your guide. If the lines are long, look for other mambabatoks who can accommodate you.

Tan-tan:Matuto kayo magpa-batok sa iba. Maraming namang nambabatok doon. Hindi lang si Whang-od. Hinahabol kasi lahat ng turista si Apo. Minsan nga, lagda lang niya (tatlong tuldok), okay na sa kanila.

Kung tutuusin, kahit sapat ang kaalaman natin sa kalinangan ng tatu, dapat itinuturo pa rin sa tao paano pahalagaan ito. Paano ba natin ginagamit ang kaalaman natin para galangin ang kulturang ito? Dapat bago sila pumunta sa isang lugar, alamin nila ang tradisyon o gawi na pinahahalagaan ng mga taga-roon. Dapat alam nila ang mga sagradong lupa, ang mga bawal, mga ganoon.

Jean: Know the difference between a tourist destination and a cultural immersion. Mga simpleng bagay: huwag magtapon sa lugar nila, huwag mag-ingay kasi hindi naman party place iyon.

Katribu Tatu 2
Rectangle.jpg

“Naisip ko na ito ang pinakamalaking kontribusyon ko sa buhay: ilagay ang kultura sa balat.”

Is there a stigma about getting a tattoo that isn’t from Whang-od?

Tan-tan: May hierarchy talaga, pero swerte ka pa rin kung matatuhan ka ng iba.

Jean: Balang araw, magiging magkasing-halaga ang tatu ng ibang mambabatok at ang tatu ni Apo. In the future, both will be as valuable.

Tan-tan: Kung kanino mo man nakuha iyan, pahalagahan mo.

Do Butbut tattoos still hold a special meaning for the person being tattooed?

Tan-tan: They used to. Siyempre sa loob ng tribo, may mga kahulugan ang mga tatu. For example, the chieftain or the warrior. Kunyari mandirigma ako, at may natalo akong kalaban, may katumbas na simbolo. Tattoos were status symbols.

But if you were an outsider?

Tan-tan: Outsiders weren’t allowed to be tattooed.

Jean: Kung tutuusin, nagtaka nga ang mga Butbut kung bakit gusto ng mga taga-labas magpa-tatu. Parang... bakit nila gusto eh ayaw na nga namin gawin sa sarili namin?

Katribu Tatu 3

What has been your biggest takeaway as a mambabatok?

Jean: Ang paggalang sa balat ng iba. Getting a tattoo from a mambabatok may not be as clear-cut as one done by machine. Kaya paano mo gagawing maganda at malinis siya? Tattoos, whether by a mambabatok or not, are considered meaningful, sacred even. Paano mo siya magagawa nang maayos ngayon?

Tan-tan: Para sa akin, pagpapahalaga talaga. Minsan may nagtatanong, “Bakit pangit ang tatu ko?” Tapos, ang sarap sabihin, “Pangit kasi ugali mo.”

Jean: Grabe ka naman.

Tan-tan: Biro lang, pero iyong totoo talaga na bigyan halaga ang tatu mo. Walang pangit na tatu, ugali lang. Karapatan ng tao magka-tatu pero paano nila dadalhin iyon?

Jean: May mga pamahiin nga sila sa Kalinga eh. Kapag pinilit mo raw si Apo na mag-batok, o binastos mo ang lugar [ng Kalinga], nagna-nana o namamaga. Minsan nawawala raw ang disenyo - nagkakalat, nagbubutas, nabubura.

Tan-tan: May turista dati na pinilit si Whang-Od mag-tatu. Isipin mo, gabi na, nakipag-usap pa siya kay Apo para sa isang panayam at para magpa-tatu. Tumanggi si Apo kasi gabi na at nagpapahinga na siya - pero namilit pa rin iyong turista. That person wanted to film himself getting a tattoo from Apo for his documentary. Anong nangyari sa disenyo ng tatu niya? Nag-nana at naging isang buo.

 

Do you remember when you decided this was your calling?

Jean: Tan-tan exposed me to his life as a cultural worker. Sa kanya ko nalaman at naranasan lahat ng alam ko. Nag-umpisa ang hilig ko sa pag-aral ng kulturang Pilipino. I would find myself in instances asking “Where can I get the materials to do further studies?” I started immersing myself in all sorts of cultural work, touching on traditional methods such as batok. Then that’s when I realized it. Dapat hindi mawala ang kultura natin.

.Jean: A country without a culture is not a country. Nawawalan ng kahulugan ang pagkatao ng mga Pilipino kung hindi natin mismo alam ang kultura natin… kung ano ang atin.

Tan-tan: Naisip ko na ito ang pinakamalaking kontribusyon ko sa buhay: na ilagay ang kultura sa balat. Kasi tatak na siya eh, nandito na siya sa balat. Hindi mo makakalimutan. Hindi mo basta-basta mabubura. Bahagi siya ng pagkatao mo. Kahit saan ka pumunta, dala mo iyan. Ipinagmamalaki mo ang tatu mo! Inspirado ka dapat. Dito ko na ibubuhos iyong pagkakawang-gawa ko - sa pagta-tatu.

Jean: Oo, nakakapagod minsan pero iba ang kaligayahan na mararamdaman mo kapag alam mong nananatiling buhay ang kultura ng batok, ang kulturang Pilipino. It has become our advocacy to make sure it stays alive.




SHARE THIS ARTICLE or LEAVE A COMMENT BELOW